Saturday, March 14, 2020

Hello, Class, Goodbye?


Hello, Class, Goodbye?
Nagsimula sa Goodmorning class, magtatapos ba sa Goodbye, class?
Ayokong isipin.
Ayokong alalahanin.
Ayokong lisanin.
Ang apat na sulok na ito na kinatayuan ko na di ko akalaing mapupuno ng mga ikasasakit ko, ang hirap talagang limutin.
Oo! Sumakit ang ulo, nawalan ng boses, araw-araw nabwisit
To the point na parang gusto mo na lamang manakit
Pero hindi pwede, dahil kung hindi kay Tulfo kayo sasapit. (Char!)
Nasasaktan ako.
Na hindi nakapagpaalam.
Na hindi nakabawi.
Huling turo ko na pala, sana tinodo ko na!
Huling sigaw ko na pala, sana nilaksan ko pa.
Huling inis ko na pala, sana sinagad ko  na.
Huling kita ko na palaaa....
Sa mga estudyante kong di ko namalayang mahal ko na... 

Haysss.... Mamimiss kayo ni Ma'am. I don't know how to put into words yung mga nararamdaman ko ngayon but I will do my very best para masabi sa inyo yung gusto ko sabihin. 
ALOVEmaciga, 
             Ang unang klaseng tinuruan ko. Ang unang klaseng kinainisan ko. Ang unang klaseng inisip kong wag nang pasukan. Kasi naman, mga hindi nakikinig. While I'm talking, tamang chika rin sila. Mas bilang ko pa yata yung pagtanong nyo sa personal life ko at pagtingin nyo sakin kesa sa pagpaparticipate niyo sa klase. Sino ba namang hindi maiinis? Yeah, I admit. I came to the point na gusto ko na kayo ayawan dahil wala naman akong nakikitang eagerness sa inyo to learn. Ayoko na kayo pasukan kasi feeling ko nag-aasksaya lang ako ng laway, ng energy. But thanks to a man who made me go back to my senses na siguro nga ganon lang talaga kayo. Na di ko kayo dapat sukuan. He made me remember na oo nga pala, diverse nga pala ang students natin, iba-iba nga pala sila so thank you! Thank you sa pagpapalawak ng pasensya ko dahil sa inyo talaga super natest ung patience ko and sorry, kasi medyo huli na para magbond tayo. Despite of those things, let me still say to you all na lab na lab kayo ni Mam kahit ang titigas ng ulo niyo! Kahit nabobored kayo sa klase ko or kahit tinutulugan nyo ko, mahal pa rin kayo ni Ma'am. :) Be better, Almaciga ko. Strive for the best! <3
MAHALgany,
             
Ang mga ansha kong students charot. Ang mga students who witnessed how soft I am. Ang mga students na nakapagpaiyak sakin nung Valentines HAHAHA well, napaiyak din naman kayo ni Ma'am. :P Ang mga students kong nakarinig ng curse ko kasi naputulan ako ng chalk (well, expression lang yun, okay?) Ang mga students kong tahimik pag research ang topic pero super ingay pag puro hugutan sa lovelife hahaha. Aminin na natin, ilag kayo kay Mam nung una, no? Ilag din si Mam sa inyo char. But as time passes by, I learned how to be part of you. Thank you so much for opening your doors to me! <3 I super duper appreciate all your contibution nung nagfinaldemo ako at don ko nakita how much you love me to the point na todo bigay kayo sa pagsagot hahaha thank you so much for always appreciating my efforts sa lahat ng lessons ko kahit na sawang-sawa na kayo sa dami ng pinapagawa ko hahaha. Thank you kasi you know when to be quiet and when to talk. I do appreciate it. You became my rest kasi di kayo pasaway kay Ma'am so thank you! Sa mga creative outputs, presentations and everything, you never made me disappointed kaya naman nawili ako magpagawa ng activity sa inyo char :D Mahal na mahal kayo ni Ma'am, Mahogany ko. Keep the perseverance and keep being respectful! <3
TindaLOVE,
     Ang mga walang tigil kong students, tamang survey kahit wala naman akong sinabing magsusurvey sila sa research hays. Ang mga di nakikinig, na tuloy pa rin kahit ilang saway. Ang ginawang sleeping time at break time ang klase ko. Ang dahilan kung bakit napaisip ako na "Am I really for teaching?" "with this kind of students?" Haysss.. Mamimiss pa rin ni Ma'am ang makukulit na 'to. Yung tipong mas iniintriga nyo pa buhay ko kesa sa lesson natin. Ganyan kayo kababait tot he point na nakakabwisit kasi kakasabi lang, tanong agad at ulit-ulit pa hahaha gagaling. Pero kahit na ganon, na nasobrahan sa kulit, pag pinagperform naman, napakactive, totodo ng iingay yan. Tindalo yan e! HAHAHAHA. Mas bilang ko pa yata kung ilang beses nyo ko ifollowup kung naaccept ko na kayo kesa sa ilang beses na ifollowup ung missed activities nyo hahaha sarap marealtalk no, char! Pero kahit na ganon, lab na lab pa rin kayo ni Ma'am, Tindalo ko. At sa ayaw ko man at sa gusto, mamimiss ko mga kakulitan at kabibuhan ninyo. Know your purpose, Tindalo! <3
MoLOVE,
             Ang pinakamaingay kong klase. Ang wala ng ginawa kundi "Ma'am pwede po magpractice muna kami sa time mo po?" "Ma'am, pwede po gamitin time niyo po para maggawa kami ng props kasi po bukas na po yun, Ma'am?" "Ma'am, ano po gagawin natin ngayon? May discussion po ba?" Ganyan ang style niyo HAHAHA. Porket alam nyo na malakas kayo sakin e ganyan ginagawa nyo, char! Kayo yung students na lab na lab ko ang pagiging bibo kasi super active to the point na pag sinabi kong "Oh, I need 10 representatives!" Unahan na yan sa pagpunta sa unahan. Kaya ang sarap niyo pagbabatukan e char! Kayo yung students na parang di natakot sakin? Since day one up to the end, same attitude ang pinakita nyo sakin na prang di man lang kayo natakot ng dark side ko charot. Sobrang mamimiss ko kayo, last turo na pala yun, sana nagOT na ko mga 3hrs eme hahaha. Mahal na mahal na mahal kayo ni Ma'am, Molave ko. Stay humble and always be polite! <3
Huling turo na pala yon, sana dinama ko na. Sana sinagad ko na. Sana tinodo ko na. 
Students, mahal na mahal kayo ni Ma'am. Mamimiss ko kayo ng sobra. Nagalit man ako, sumigaw, nabwisit, pumiyok, wag na wag nyong kakalimutan na mahal kayo ni Ma'am. Ang sweet ko na sa inyo ha, wag kayo iiyak hahaha. :P Thank you students for making me enter your hearts! <3 Salamat sa attachment na binigay niyo sakin. I will always be grateful that you became a part of my journey. That you really helped me to improve myself and be better. I may not be the best but I hope na kahit papano ay may naitanim ako sa inyo, hindi lang sana sa utak kundi pati sa puso. MAHAL NA MAHAL KAYO NI MA'AM! So pano, sa muli nating pagkikita???

CLASS DISMISSED. :'( </3

2 comments:

  1. Grabe ma'am. Sobrang memorable kayo. Tandaan nyo po, ako yung maraming beses kung magbirthday sa isang taon. Lablab

    ReplyDelete

VICTORY!

VICTORY!!! Ang pagmamahal ay parang laro. Minsan panalo, minsan talo. Minsan,ilalaban mo. Minsan naman, pipiliin mo na lang sumuko. May SUR...