Thursday, February 11, 2021

VICTORY!

VICTORY!!!

Ang pagmamahal ay parang laro. Minsan panalo, minsan talo. Minsan,ilalaban mo. Minsan naman, pipiliin mo na lang sumuko. May SURRENDER naman e. Pwede ka naman mag-another game next time, at sa next game na yon, dapat bumawi ka. Dapat ipanalo mo. Dapat MVP ka na.

Sa bawat ENTER LOBBY mo, dapat sigurado ka. Dahil once na magSTART yan, wala ka nang kawala, dapat tapusin mo. Hindi ka pwedeng basta-basta umalis. Hindi pwedeng pag ayaw mo na, aalis ka na lang. Kung aalis ka naman, siguraduhin mong babalik ka, at pagbalik mo, tanggapin mong AFK ka, na sa buhay ng tao, kapag may tinakasan ka, may consequence yon at kailangan mo yung tanggapin. It's either nabawasan ang CREDIT SCORE mo o kaya naman naREPORT ka ng kakampi mo. Kaya lahat ng sisimulan mo, dapat lang na tapusin mo.

Kung pipili ka naman ng HERO, gagalingan mo. Kasi minsan, kahit na MAIN mo pa yan, kaya ka pa rin talunin ng kalaban. Palakasan na lang. Paunahang magFULL BUILD, pagalingan magFARM. Kaya siguraduhin mo na bago ka pumalag, FULL BUILD ka na. Bago ka sumubok, bago ka tumaya, dapat buo ka na. Hindi pwedeng kulang ka. Hindi pwedeng palambot-lambot ka. Dapat baon mo ang tamang EMBLEM. Kasi kahit na anong ATTACK mo, kung may kulang naman sayo, ikaw pa rin ung talo. Kaya dapat, buuin mo muna yung sarili mo saka mo itaya yang hero mo.

Sa larong ito, hindi naman importante kung gaano karami yung KILLS mo, mas importante pa rin na naprotektahan mo yung TORE mo at lalong-lalo na yung BASE mo. Wag na wag kang magpapabasag sa iba. Hindi pwedeng masira ka nila. Tulad ng sarili mo, ang TORE mo ang isa sa mga bagay na dapat mong ingatan. Hindi ka pwedeng basta-basta bumigay. Dahil sa buhay, ang puso mo ang nagsisilbing BASE ng laro, at ang mga TORE doon ay ang mga walls na tinayo mo para hindi ka basta-basta masira ng ibang tao. Pero ingat ka, dahil minsan, hindi kalaban ang sisira at babasag sayo. Minsan, kakampi mo. Madalas, kaDUO mo. Baka hindi mo namamalayan, papunta na pala siya sa puso mo. 

Pinatulan pa ang 1v1 niya, hinayaan mong basagin niya ang mga TORE na ang tagal mong tinayo, at habang abala ka sa pagpatay ng mga MINIONS sa paligid, nagulat ka na lang na nandon na siya sa BASE mo. Huli na para magRECALL. Napasok na niya ang puso mo. At yun ay pinagbigyan mo. At sa mga susunod niyong laro, pinrotekatahan niyo na ang isa't-isa. It's either mapapatay niyo ung kalaban o makakaDOUBLE KILL sya. Ganon ang pagmamahal. Dapat, dalawa kayong sumusugal. Walang iwanan. Mauna man ang isa, REQUEST BACKUP agad. Pag nakita mong nasa pahamak sya, INITIATE RETREAT agad. At kapag napapagod na, REGEN agad. Parehas dapat kayong lumalaban. Dapat lahat sinosolusyunan. Kung noon ay mag-isa ka lang na nag-iingat sa BASE mo, ngayon ay dalawa na kayo na pumoprokteta sa BASE na sumisimbolo sa kung anumang meron kayo. Kahit na sino pa yan, kahit na ano pa ang umatake diyan, nawa'y lagi niyong piliin na magkasama kayong tatapos ng laban. At wag kakalimutan na tawagin ang LORD sa bawat laban, dahil siya lang ang dabest na pwede niyong tawagin para kayo'y protektahan, para sa kahit na anong laban, maiwasan ang DEFEAT at VICTORY ang maging katapusan.



VICTORY!

VICTORY!!! Ang pagmamahal ay parang laro. Minsan panalo, minsan talo. Minsan,ilalaban mo. Minsan naman, pipiliin mo na lang sumuko. May SUR...